-- Advertisements --

ILOILO CITY- Isa na namang yugto ng Dugong Bombo ng Bombo Radyo Philippines ang tampok sa Passi City ngayong araw, May 25.

Sa kabila ng ipinapatupad na border restriction, makikibahagi sa nasabing bloodletting activity ang Philippine Red Cross at Local Government Unit ng Passi City.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Azucena Torilla, focal person ng Passi City, ito na aniya ang ika-apat na bloodletting activity ngayong taon.

Ito ay gagawin sa Barangay Malag-it Grande at sasali rin ang 11 pang barangay sa lungsod.

Ayon kay Torilla, layunin ng Dugong Bombo na matulungan ang mga indigent na nangangailangan ng dugo.

Sa ngayon, mayroong sapat na supply ng dugo ang Passi City dahil sa mga volunteer blood donors.