-- Advertisements --
Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na walang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.
Ito ay matapos na ibasura ng DTI ang kahilingan ng ilang mga manufacturers ng gatas, sabong panalaba, canned meats at mga suka at toyo.
Sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo, na mula P0.50 hanggang P2.00 ang hiling na dagdag presyo ng mga manufacturers ng nasabing mga produkto.
Tiniyak naman nito na mahigpit nilang babantayan ang sinumang magtataas ng kanilang presyo.