-- Advertisements --
Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na walang kakulangan sa suplay ng mga Noche buena products para sa nalalapit na kapaskuhan base na rin sa monitoring sa mga nakalipas na araw.
Ayon kay DTI Secretary Alfredo Pascual, mahigpit na binabantayan ng ahensiya ang sitwasyon sa mga merkado habang papalapit ang Pasko.
Aniya, sa partikular na uri ng mga produktong pang-noche buena ay mayroong price range na maaaring pagpilian ng mga mamimili.
Karamihan naman aniya ng mga nagbebentang retailers ay sumusunod sa price guides at may iba pa nga na nagtitinda ng mas mababang presyuhan.