-- Advertisements --
image 45

Mahigpit na babantayan ng Deparment of Trade and Industry (DTI) ang presyo ng bigas sa merkado sa gitna ng pagpapatupad ng price cap para sa pangunahing pagkain sa bansa.

Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual, mahalaga ang pagpapatupad ng strict monitoring sa presyo at suplay ng bigas para mapigilan ang posibleng hoarding at overpricing sa mga trader at retailers.

Kaugnay nito, regular na magsasagawa ng strict monitoring ang DTI sa presyo ng bigas sa buong bansa at titiyaking masusunod ang price ceiling na itinakda ng Department of Agriculture (DA).

Una na ngang inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang joint recommendation ng DA at DTI na nagtatakda ng price cap sa bigas sa bansa sa bisa ng Executive Order No. 39 na nilgadaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Ang mandated price ceiling para sa regular milled rice ay nasa P41 kada kilo habang ang mandated price cap naman para sa well-milled rice ay nasa P45 kada kilo.