-- Advertisements --

Ipinasakamay ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga sinira nilang ilang libong plastic na monobloc na upuan sa lungsod ng Maynila.

Sinabi ni Trade Secretary Alfredo Pascual na ayaw nilang itapon na lamang basta ang mga nasirang plastic chairs dahil sa nakakasira ito sa kalikasan.

Dahil dito ay nakipag-ugnayan sila sa lungsod ng Maynila na mayroong programa sa pag-recycle sa mga plastic para gawing mga sustanable construction materials.

Magugunitang matapos na kumpiskahin ng DTI ang nasa 1,130 na plastic na mga upuan ay kanila na agad itong sinira para hindi na maibenta pa ulit.