-- Advertisements --

Pinayuhan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga online sellers na huywag hayaang madismaya ang publiko sa produkto na kanilang nabibili mula sa e-commerce.

Iginiit ni DTI Undersecretary Boy Vizmonte na dapat tapat sa kanilang pricing at kalidad ng mga ibinibentang produkto ang mga online sellers gayong sa e-commerce napakahalaga ang tiwala.

Kasabay nito ay pinaalalahanan ni Vizmonte ang mga online sellers na i-display ang presyo ng kanilang mga produktong kapag pino-post online, alinsunod na rin aniya sa Price Tag Law.

Nauna nang nagbabala si DTI Sec. Ramon Lopez sa mga online sellers na patuloy na hindi sumusunod sa price tag policy sa mga items na ibinibenta online.

Ayon kay Lopez, maaring pagmultahin o makulong ang sinumang mapatunayang guilty na lumabag sa naturang batas.

-- Advertisement --

Kaugnay nito ay hinimok ni Vizmonte ang mga online sellers na maging tapat sa kalidad ng kanilang mga produkto para maprotektahan na rin ang interest ng mga mamimili.

Bukod dito, hinimok din ni Vizmonte ang mga online sellers na sumunod at kumuha ng rehistro katulad na lamang ng sa Food and Drugs Administration at iba pa.