-- Advertisements --
DTI 1

Lumagda ng isang kasunduan ang Department of Trade and Industry(DTI) kasama ang isang malaking international business organization para sa pagpapalakas pa sa Halal Industry sa Pilipinas.

Layunin ng naturang kasunduan na mabigyan ng pagkakataon ang mga MSME sa buong bansa na gumagawa ng mga Halal Products na mapalago pa ang kanilang mga negosyo at mapalakas ang produksyon ng ibat ibang halal products.

Sa ilalim kasi nito, makakautang ng walang naidadagdag na interest ang mga MSME, sa tulong na rin ng pamahalaan/

Sa ganitong pagkakataon, Ayon kay Trade Sec. Alfredo Pascual, umaasa siyang dadami pa ang mga MSME sa buong bansa na papasok sa Halal Industry, kasabay ng pagnanais ng pamahalaan na mapalakas ito.

Una nang tinatarget ng DTI na lalo pang mapalawak ang naturang industriya dito sa Pilipinas, lalo na at patuloy umano ang paglago nito sa buong bansa.

Bilang patunay dito, sinabi ng DTI na mahigit limampung bansa sa buong mundo na ang nakitaan ng pagtaas ng demand sa mga halal products, kasabay ng pagtaas ng bilang ng mga mananampalatay sa paniniwalang Islam.