-- Advertisements --

Mas dinoble ng Department of Trade and Industry (DTI) ang kanilang price ang supply monitoring operations para matiyak na sumusunod ang mga negosyante sa price regulations.

Ilan ng mga negosyante ang pinagpapaliwanag na nila dahil sa paglabag sa price tag.

Dumami rin aniya ang reklamo na kanilang natatanggap sa opisina lalo na ngayong nalalapit ang panahon ng kapaskuhan.

Patuloy din ang panawagan nila sa mga mamamayan na agad na isumbong sa kanilang opisina ang mga establishimento na basta nagtataas ng kanilang presyo.