Pinagpapaliwanag ng Department of Trade and Industry (DTI) ang 51 negosyante dahil sa pagtataas na ng kanilang mga ibenebentang pangunahing bilihin sa mga nagdaang buwan.
Nadiskubre kasi ng DTI na mayroong pagtaas na 10 percent ang mga bentang basic necessities and prime commodities.
Nakitaan din nila ang paglabag ng inconsistent price tags at kung minsan ay walang mga price tags ang kanilang ibinebentang produkto.
Nabigyan ang mga ito ng 48 oras para makapagpaliwanag sa DTI.
Nalaman lamang ang nasabing paglabag ng magsagawa ng inspeksyon ang Fair Trade Enforcement Bureau (FTEB) ng DTI sa 76 na nga negosyante sa mga lungsod ng Malabon, Pasig, Paranaque at Quezon City.
Mayroong 70 na mga negosyante ang sumusunod sa ipinapatupad nilang suggested retail price (SRP) na inilabas pa noong Agosto.