Pinaghahanda ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga mamimili sa mas mataas na presyo ng Noche Buena meat products.
Ito ay dahil tumaas ng 15% hanggang 20% ang production cost ng mga meat processors.
Gayunpaman, sinabi ni DTI Assistant Secretary Mary Jean Pacheco na ang ilang mga meat products ay makakakita lamang ng “very minimal” price increase sa darating na holiday season.
Sinabi ni Pacheco na hindi lahat ng produkto, partikular na ang mga hamon, ay nagtaas ng kanilang presyo, batay sa monitoring ng DTI sa mga Noche Buena items.
Dahil sa sitwasyon, hinikayat ni Pacheco ang mga mamimili na suriin ang Noche Buena guide ng DTI para ikumpara ang mga presyo ng iba’t ibang produkto at bumili ng mga bagay na akma sa kanilang budget.
Giit ng opisyal, na dapat matuto ang mga mamimili sa kanilang bibilhin na mga noche buena products.
Pinaalalahanan din ng DTI ang mga nagtitinda na sumunod sa price guide dahil mahaharap ang mga ito sa kaukulang parusa kapag ito sumunod sa itinakdang presyo ng departamento.