-- Advertisements --
Ilulunsad sa mga susunod na araw ng Department of Trade and Industry (DTI) ang Advance Manufacturing Workers Development Program.
Ang nasabing hakbang ay para mapalakas ang kapasidad ng mga manggagawa sa bansa.
Sinabi ni DTI Secretary Alfredo Pascual na target ng nasabing programa ang mga nasa manufacturing sektor.
Dito ay matututunan nila ang makabagong pamamaraan at ilang innovations sa nabanggit na sektor.
Layon kasi nila na makasabay sa mga international standard ang Pilipinas para mas maraming investors ang kanilang maakit.