-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na may sapat na supply ng pagkain sa mga pamilihan sa pagpapalawig sa community quarantine.

Ayon kay Trade Sec. Mon Lopez, regular nilang kinakausap ang mga stakeholders para mabatid ang sitwasyon at matugunan ang anumang problema.

Aniya, hindi kailangang mag-panic buying dahil maraming supplier ang patuloy na nagde-deliver ng kanilang mga produkto, lalo ng para sa basic goods.

Nabatid na may iba’t-ibang inisyatibo na rin ang ilang lokal na pamahalaan para magkaroon ng mas accessible na pamilihan ng pagkain ang kanilang mga residenteng apektado ng lockdown.