-- Advertisements --
DTI

Umabot na sa 22,000 ang bilang ng mga complaints na natanggap ng Department of Trade and Industry (DTI) mula sa mga consumer mula Enero hanggang Setyembre ng kasalukuyang taon.

Ayon kay DTI Sec. Alfredo Pascual, mula sa kabuuang bilang, 7,300 dito ay direktang nasa hurisdiksyon ng DTI.

73% ng naturang bilang ay natugunan na ng naturang ahensiya. Ito ay katumbas ng 5,300 na reklamo.

AYon sa kalihim, pangunahin sa kanilang mga natatanggap na reklamo ay ang mga pekeng podukto, at hindi-pagkilala ng mga merchants sa warranty ng kanilang ibinebenta ng produkto.

Ang mga ito aniya ay nasa ilalim ng tinatawag na deceptive, unfair at unconscionable sales practices na tinutugunan ng DTI.

Maliban sa mga ito, marami rin aniya ang natukoy nilang mga reklamo na na nasa ilalim ng misleading advertisement at fraudulent sales promotion.

Ang iba pa aniyang complaints na nalalabi mula sa kabuuang 22,000 ay inilapit naman ng DTI sa iba pang ahensiya ng pamahalaan.