-- Advertisements --
DTI GROCERY

Nagsagawa ang Department of Trade and Industry (DTI) ng nationwide monitoring sa Undas-related commodities.

Kabilang na dito ang presyuhan ng bottled water, kandila at bulaklak bago ang pagdiriwang ng All Saints’ Day.

Ayon kay Trade Secretary Pascual, ang DTI ay nananatiling nakatuon sa layunin na hikayatin ang isang patas na merkado, kung saan ang mga interes ng mga mamimili ay pinangangalagaan.

Ang DTI, sa pamamagitan ng Fair Trade Enforcement Bureau (FTEB), ay sumusubaybay at nag-iinspeksyon sa presyo ng mga kandila at bottled water na ginagabayan ng Suggested Retail Price (SRP) bawat taon bago ang holiday ng Undas.

Sa National Capital Region, ang DTI team ay bumisita sa Dangwa Market, mga supermarket at mga ng bus stations upang suriin ang mga presyo at mga supply ng nasabing mga produkto.

Batay sa pinakahuling bulletin ng SRP, ang presyo ng bottled mineralized water ay nasa P7.15 hanggang P75, depende sa laki.

Habang ang kandila naman ay nasa pagitan ng P33 hanggang P177.

Pinayuhan ng DTI ang mga nagtitinda na mahigpit na sumunod sa SRP ng mga produkto.