-- Advertisements --

Nanawagan ang Department of Trade and Industry (DTI) na isumbong sa kanila ang negosyante na nananamantala sa presyo ng karne ng manok.

Ito ay matapos na maraming mga reklamo ang kanilang natanggap dahil sa pagtaas ng presyo ng manok sa ilang pamilihan sa bansa.

Ilan kasi sa palengke sa Metro Manila ay nagbebenta ng P200 ang kada kilo ng manok mula sa dating P170.

Mas malayo umano ito sa P162 na kada kilo ng farmgate price ng manok mula sa United Broiler Raisers Association (UBRA).