-- Advertisements --
Inanunsyo ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagkakaroon ng e-commerce platform para sa mga small and medium sized enterprises (MSME).
Ayon kay DTI Secretary Alfredo Pascual na ang nasabing platofrm ay para mabigyang ng pagkakataon ang mga MSME na lumago pa ang kanilang negosyo.
Sa digitized data aniya ay malalaman na ang magandang credit score ng mga negosyante.
Magiging basehan aniya ito para matulungan sila sa mga financial requirements.
Posible sa katapusan ng taon ito ilulunsad at sa ngayon ay pinag-iisipan pa nila ang maipapangalan dito.