-- Advertisements --
Patuloy ang paghihikayat ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga mamamayan na isumbong sa kanila ang mga mapagsamantalang negosyante ngayong kapaskuhan.
Sinabi ni DTI Secretary Alfredo Pascual, na dapat hindi lalagpas pa sa 10 porsyento ang ipapataw na dagdag na presyo sa mga noche buena products.
Pagtitiyak nito na mas pinaigting nila ng ang monitoring sa mga pamilihan at supermarkets para matiyak na walang mananamantalang negosyante.
Agarang aniya nila tinutugunan ang mga reklamong matatanggap sa kanilang hotline na 1384.










