-- Advertisements --

Inanunsyo ni Trade Undersecretary Ruth Castelo ang mahigpit na bilin ni DTI Sec. Alfredo Pascual ukol sa mga manufacturer na hindi sumusunod sa pagtatala ng expiration date para sa kanilang mga produkto.

Ayon kay Castelo, nagbigay na ng marching order si Sec. Pascual na gawing visible ang marka kung hanggang kailan lamang maaaring ikonsumo lalo na ang nabibiling pagkain.

Layunin nitong matiyak ang kaligtasan ng publiko na komokonsumo ng mga ito.

May mga paninda kasi na nasa malaking kahon lamang nakalagay ang expiration date, ngunit kung mabibili na ang produkto sa pamamagitan ng retail process ay hindi matitiyak ng consumer kung maayos pa o expired na ang kaniyang nakuhang paninda.