-- Advertisements --

Inihayag ng Department of Trade and Industry (DTI) na tinitingnan nito ang posibilidad na maglabas ng mga “suggested retail prices” para sa mga school supplies ilang buwan bago ipagpatuloy ang mga klase.

Ang DTI ay nag-iisyu lamang ng mga SRP para sa mga pangunahing bilihin tulad ng bigas, de-lata, asukal, at iba pang karaniwang ginagamit sa bahay.

Depensa naman ni Trade Undersecretary Ruth Castelo na hindi nila nire-regulate ang school supplies dahil hindi ito basic needs.

Wala pang inilalabas na bulletin ang DTI tungkol sa adjusted prices ng mga pangunahing bilihin dahil kailangang pag-aralan ng mabuti ng ahensya kung makatwiran ang pagtaas ng presyo para sa anumang pangunahing pangangailangan.

Hindi binanggit ni Castelo kung kailan ilalabas ng DTI ang susunod na SRP bulletin nito, at kung isasama na nito ang price caps para sa mga school supplies.

Ngunit binanggit ng Trade official na sa ngayon, ang mga pangunahing supermarket ay sumusunod sa mga iminungkahing presyo ng DTI.