-- Advertisements --
image 306

Inaalam na ng Department of Trade and Industry kung may inilabas ang Food and Drugs Administration na certificate of product registration sa mga laruang lato-lato.

Ito ay kasunod ng posibilidad na ipagbawal ang bentahan ng lato-lato sa merkado.

Ayon kay DTI Consumer Protection Group Usec. Ruth Castelo, hindi dapat ibinebenta sa publiko, lalo na sa mga bata, ang mga produktong walang certificate of product registration.

Pagbibigay diin ni Castelo na ang product registration ay ang sertipikasyon na ligtas gamitin ang isang produkto, bago pa man lumabas sa merkado.

Naniniwala rin ang DTI official na sa ksalukuyan ay gumagawa na ng hakbang ang FDA upang malimitahan o alisin ang mga nasabing laruan sa merkado.

Maalalang ilang mga environmental advocates ang unang naghayag ng kanilang pagkabahala sa malawakang bentahan ng lato-lato sa merkado dahil sa umano’y hindi pagdaan ng mga nasabing produkto sa tamang proseso.