-- Advertisements --
May mga aksyon na ginagawa ngayon ang Department of Trade and Industry (DTI) laban sa iligal na bentahan ng vape.
Ayon sa DTI na nakakumpiska na sila ng mahigit 18,000 vape products na nagkakahalaga ng P5.5 milyon.
Nabigyan na rin nila ng notice of violations at show cause orders ang nasa 269 na physical stores at 61,000 sa 66,000 ng mga online stores ng vape products.
Ang mga paglabag nila ay ang hindi pagberepika ng mga edad ng mga bumibili sa kanila at ang vape products na may desenyong nakakaakit sa mga kabataan.
Sa kasalukuyan ay aabot na rin sa 200 na mga vape stores ang kanilang sinampahan ng kaukulang kaso.