Ipinagmalaki ni Trade Sec. Ramon Lopez na umaabot sa 92 percent ang compliance rate ng mga istablishimentong pinayagan nang mag-operate noong pinairal ang general community quarantine (GCQ) sa malaking parte ng ating bansa.
Ayon kay Lopez sa panayam ng Bombo Radyo, ang pagtalima ng karamihang negosyante ang dahilan kaya niluwagan na mula sa 30 percent, patungo sa 50 percent ang pinapahintulutang costumers.
Ganito rin umano ang paiiralin sa mga magbukas na spa, gym at mga katulad nito sa pagpasok ng buwan ng Agosto.
Pero kaakibat ng pagbibigay daan sa mga dagdag na negosyo, mananatili namang mahigpit ang inspection team ng DTI, para matiyak ang pagtalima ng lahat sa kinakailangang health protocols.
Ani Lopez, hindi lang nakatuon ang gobyerno sa pagpapalakas ng ekonomiya, kundi maging sa pagsisigurong hindi kakalat sa mga establishimento ang COVID-19.










