-- Advertisements --

Inilabas ng Department of Trade and Industry (DTI) ang price monitoring data sa mga Noche Buena items.

Ayon kay DTI Secretary Alfredo Pascual, na ang datus ay makakatulong sa mga mamimili sa pagbili ng mga produkto ngayong kapaskuhan.

Hindi rin itinanggi ng kalihim na tumaas ang presyo ng mga raw materials kaya sila ay patuloy nagbabantay sa halaga ng pagtaas ng presyo.

Pagtitiyak din nito na ang mga hiniling na pagtaas ay resonable at ang mga listahan na inilabas ay hindi naglalaman ng suggested retail price at tanging mga impormasyo sa presyo ng Noche Buena na mabibili sa mga pamilihan.

Tanging ang mga imported na produkto ang nagtala ng mataas na presyo dahil sa galing pa ito sa ibang bansa.