-- Advertisements --

Inaprubahan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagtaas sa presyo ng ilang mga pangunahing bilihin.

Aabot sa 82 mga produkto ang nabigyan ng go-signal ng DTI para sila ay magtaas ng kanilang presyo.

Sinabi pa ng DTI na sa kabuuang 218 stock keeping units (SKU) ay mayroong 136 o 62% ang hindi nagtaas ng kanilang presyo.

Mayroon lamang na “minimum increase” ang ipinatupad sa natitirang 38% o 82 SKU.

Ilan sa mga produktong mayroong minimum na pagtaas ay ang tinapay, sardinas, potable bottled waters, processed milk, instant noodles, kape, asin, sabong panlaba, kandila, harina, processed at canned pork, processed and canned beef, suka, patis, toyo, toilet soap at batteries.

Mayroon lamang 2% hanggang 10% ang itinaas sa kanilang mga presyo.

Paliwanag pa ng DTI na ang nasabing presyo ay mas mababa pa sa mga pandaigdigang presyuhan.