-- Advertisements --


Posibleng magsampa ng kaso ang Malacañang laban sa mga nagpapakalat ng fake news tungkol sa kalusugan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay PCO Acting Secretary Dave Gomez,  kinokolekta na nila ang mga ebidensya laban sa mga nasa likod ng mga kumakalat na maling impormasyon sa social media.

Ayon kay Gomez, target na maisampa ang reklamo sa Department of Justice sa susunod na linggo.

Nauna nang nilinaw ng Malacañang na maayos ang kalagayan ng Pangulo sa kabila ng mga kumakalat na espekulasyon online.