-- Advertisements --

Itinakda na ng International Criminal Court (ICC) ang ilang mahahalagang petsa para sa tuluyang-pag-usad ng kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na mahigit isang taon nang nakadetine sa The Hague, Netherlands.

Ito ay kasunod ng unang status conference sa kaniyang kaso nitong Mayo-27.

Ilan sa mga mahahalagang petsa ay ang mga sumusunod:

June 23 – ikalawang status conference

June 29 – submission ng Prosecution ng kanilang inisyal na listahan ng mga testigo

July 14 – ikatlong status conference

August 31 – Cut-off para sa submission ng prosecution sa kanilang final witness list at evidence

September 28 – trial briefing para sa mga kinatawan ng mga biktima

October 30 – trial briefing para sa Defense panel

Inaasahang magsisimula ang trial laban sa dating pangulo ng Pilipinas sa Nobiyembre-30, 2026. Ang naturang buwan ang ika-20 buwan na mula noong naaresto siya sa Manila.