Lumakas pa ang bagyong nasa silangan ng Pilipinas at inilagay na ito sa typhoon category.
Ang bagyong may international name na “Sinlaku” (dating LPA 04a) ay nananatili sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR) at wala pang direktang epekto sa ating bansa.
Sa kasalukuyan, ito ay nasa loob ng Tropical Cyclone Monitoring Domain (TCID) at patuloy na binabantayan ng mga eksperto.
Batay sa mga international trackers, taglay ni Sinlaku ang lakas ng hanging umaabot sa 140 km/h malapit sa gitna at bugso hanggang 220 km/h, habang kumikilos nang mabagal sa direksyong hilagang‑hilagang‑silangan.
Ang sentro ng bagyo ay tinatayang nasa 930 km timog‑silangan ng Guam.
Nagsimula ang Typhoon Sinlaku bilang Low Pressure Area noong Abril 9, bago naging Tropical Depression, Tropical Storm, at tuluyang umabot sa kategoryang Typhoon ngayong Abril 11.
Ang paglakas ni Sinlaku ay bahagi ng 2026 Western Pacific typhoon season, na inaasahang magiging aktibo dahil sa umiiral na kondisyon ng dagat at atmosphere.
















