-- Advertisements --
Inaprubahan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagtaas ng presyo ng ilang pangunahing bilihin.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez na mayroong hanggang P1.00 ang itataas ng ilang bilihin gaya ng sardinas, kape, noodels at mga sawsawan.
Mahigit dalawang taon na aniya na walang taas presyo ang nasabing mga produkto kaya pinagbigyan nila ang mga manufacturer ng humirit ang mga ito ng taas presyo.
Paglilinaw ng kalhim na magiging epektibo lamang ito kapag nailabas na nila ang advisory at nailathala na sa mga pangunahing pahayagan ng bansa.