Ngayong limitado pa rin ang pampublikong transportasyon, iba’t ibang alternatibo ang sinusubukan ng mga mananakay sa pagbiyahe para makapasok sa trabaho o makarating sa pupuntahan.
Bagama’t dati nang patok ang bisikleta at motorsiklo, tumaas ang demand sa mga ito ngayong may COVID-19.
Dahil dito, Hinikayat ni Quezon City Rep. Precious Castelo ang Department of Trade and Industry (DTI) na i-regulate ang bentahan ng bisikleta at motorsiklo sa gitna ng public health crisis.
May ilang tindahan kasi aniya ang nagpapataw ng mataas na presyo para sa bisikleta at motor dahil sa pagtaas ng demand.
Para maiwasan ang pang-aabuso ng ilang negosyante, mainam aniya kung makapagpatupad kaagad ang DTI ng regulasyon sa presyo ng motorsiklo at bisikleta, gayundin sa mga ibinebentang spare parts nito.
Sa kabilanh dako, umapela ang kongresista sa Inter-Agency Task Force (IATF) na maglagay na ng “dedicated bike lane” sa kahabaan ng EDSA sa buong duration ng quarantine.