-- Advertisements --

Hindi inirerekominda ni Department of Trade and Industry (DTI) Sec. Ramon Lopez ang pagsasailalim ulit ng bansa sa mas striktong quarantine measures.

Ayon kay Lopez, maayos naman na sa ngayon ang ipinapatupad na protocols para maiwasan ang transmission ng COVID-19.

Mahigpit naman din aniyang sinusunod ng mga business establishments ang health protocols tulad ng palagiang paghuhugas ng kamay, temperature checking at pagsuot ng face masks.

Sa oras na isara aniya ulit ang isang lungsod o lugar ay “mamamatay na po talaga yung ekonomiya kapag pinagpatuloy pa ulit.”

Ito ay kahit pa patuloy na tumataas ang bilang ng COVID-19 infections sa bansa.

Sinabi ni Lopez na ang pagtaas ng naitatalang kaso ng COVID-19 kada araw ay bunsod ng pinaigting testing capacity ng pamahalaan.

Sa ngayon, 82,040 na ang bilang ng COVID-19 infections sa bansa, 1,945 ang deaths at 26,446 ang bilang ng mga naka-recover.