-- Advertisements --
dswd 3

Umapela ang pamunuan ng Department of Social Welfare and Development sa mga maaaring maapektuhan ng Typhoon Betty na kusa nang lumikas kung kinakailangan.

Ginawa ni DSWD Assistant Secretary Rommel Lopez ang nasabing paalala, kasabay ng inaasahang mga pag-ulan at malalakas na hangin na dala ng nasabing bagyo, lalo na sa Hilagang Luzon.

Ayon kay Asec Lopez, mas maiging gawin na lamang ng mga residente ang kusang paglikas kung alam nilang may peligro, at huwag nang hintayin pa ang sapilitang paglikas.

Pagtitiyak ng opisyal na may sapat na supply ng relief packages mula sa ahensiya na maaaring ibigay sa mga lilikas. Kasama na rito ang P598Million na pondo, maliban pa sa P525Million na quick response funds.

Nauna na ring sinabi ng ahensiya na may 1million family food packs na nakapreposition sa ibat ibang field offices ng ahensiya, kasama ang P819Million na halaga ng non food items.

Kasabay nito ay umapela ang opisyal sa publiko na imonitor ang epekto ng bagyo, at pakatutukan ang anumang paabiso ng mga kinauukulan.