-- Advertisements --

Inatasan ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang Disaster Response and Management Group (DRMG) na tiyakin ang interoperability ng Ilocos Region at Cordillera Administrative Region (CAR).

Ito ay sa mga tuntunin ng agarang paghahatid ng mga relief goods sa lalawigan ng Cagayan, na inaasahang pinakamasasalanta at tatamaan ng Bagyong Egay.

Nauna nang tinanong ni Secretary Gatchalian ang DSWD Cagayan Valley Regional Director na si Lucia Alan hinggil sa imbentaryo ng regional office ng mga family food packs (FFPs) sakaling tumama ang Bagyong Egay sa pinaka hilagang bahagi ng lalawigan ng Cagayan, na ngayon ay nasa Signal No 3.

Una nang itinaas ng DOST ang Signal No. 5 ngayong araw sa ibang bahagi ng bansa habang patuloy na tumitindi ang Bagyong Egay sa pagpasok nito sa Philippine area of responsibility.

Dagdag dito, nagbabala ang DSWD na maging maingat at maging handa sa anumang posibleng epekto ng nasabing bagyo.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang monitoring ng nasabing departamento lalo na sa mga lugar na lubhang maaapektuhan ng bagyo upang tumugon sa mga pangangailangan ng mga residenteng masasalanta.