-- Advertisements --
image 495

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development ang sapat na tulong na nakahanda para sa mga maaapektuhang residente sa pananalasa ng Bagyong Goring.

Batay sa datus na inilabas ng DSWD, mayroong kabuuang 10,000 na naka-preposisyong mga family food packs sa Batanes.

Aabot sa 1,306 FFPs ang ilalaan sa Basco; 1,322 sa Itbayat; 1,100 sa Ivana; 1,094 sa Mahatao; 1,203 sa Sabtang at 1,167 sa Uyugan.

Maliban sa Probinsiya ng Batanes, nakahanda rin ang mga food packs sa Probinsya ng Isabela, Cagayan, at maging sa Isla ng Calayan.

Pagtitiyak ng kagawaran, nakahanda ang karagdagan pang tulong para sa ibat ibang mga lugar, oras na kailangan pa ng mga ito ng karagdagang assistance.

Maalalang una nang inatasan ni Sec. Rex gatchalian ang bawat Regional Office nito na tiyaking sapat ang supply ng family food packs para sa mga maaapektuhan ng nasabing bagyo.

Top