-- Advertisements --
dswd educational assistance

Inaasahan ng Department of Social Welfare and Development ang nasa 80,000 beneficiaries ng educational cash aid nito sa ikatlong Sabado ng pamamahagi sa araw na ito.

Sinabi ni DSWD spokesperson Romel Lopez na ang nasabing kabuuang bilang ng mga benepisyaryo ay ilalagay sa 316 payout centers ng departamento sa buong bansa.

Idinagdag ni Lopez na may 2 milyong aplikante para sa cash aid ngayong araw.

Hindi pa rin pinapayagan ang walk-in transactions para sa mga mahihirap na mag-aaral na mag-a-apply para makakuha ng tulong pinansyal.

Ang patakaran ay naglalayon upang maiwasan ang pagdami ng maraming tawo tulad ng mga pumunta sa DSWD central at regional offices noong Agosto 20, na nag-udyok sa ahensya na humingi ng tulong sa mga local government units sa pamamahagi ng ayuda.

Ang educational cash assistance ng DSWD ay magiging P1,000 para sa elementarya, P2,000 para sa junior high school students, P3,000 para sa senior high school students, at P4,000 para sa mga mag-aaral sa kolehiyo o sa mga kumukuha ng vocational courses.

Tatlong estudyante bawat pamilya ang makakakuha ng cash assistance.