-- Advertisements --
image 357

Pansamantalang ipinahinto ng Department of Social Welfare and Development ang delisting o pagtanggal sa mga benepisyaryo ng 4Ps sa kanilang opisyal na listahan.

Ayon kay Sec. Rex Gatchalian, kinakailangan muna ng Kagawaran na repasuhin ang lumang paraan na ginagamit sa ilalim ni dating Sec. Erwin Tulfo.

Ang dating sistema kasi aniya na ‘proxy means teast’, ay hindi na nakakasapat para kunin o i-evaluate ang tunay kalagayan ng mga miyembro.

Sa ilalim kasi nito, isinailalim sa evaluation ang 1.4 million 4Ps beneficiaries. Ngunit pagsapit ng Mayo, 2023, umaabot pa rin sa 55% ang bilang ng mga miyembro na nananatiling non-poor o hindi na maituturing na mahihirap.

Dahil dito, kailangang mapag-aralan ng maigi aniya ang paraan na kanilang ginagamit sa pag-asses sa kanilang mga miyembro.

Isa sa mga ginawa rito ng kagawaran ay ang pagbabalik sa dati nilang ginagamit na Social Welfare Development Indicator (SWDI).

Pagsapit ng Setyembre, posibleng ilalabas na rin ang resulta ng kanilang re-assessment sa 1.4 million na benepisyaryo, at magtutuloy muli ang delisting o pagtanggal sa mga miyembro ng 4Ps na hindi na kwalipikado dahil sa pagbuti ng kanilang buhay.

Samantala, sa susunod na taon ay umaabot sa P112.8 billion ang panukalang pondo sa ilalim ng nasabing programa.