-- Advertisements --
ulysses
Employees of Department of Social Welfare and Development(DSWD) repacked and upload assorted canned goods and rice at the DSWD warehouse in Pasay city that will be distributed to 16 LGUs within the Natioanl Capital Region to help people affected by the Enhanced community quarantine that limits people movement in their city to prevent the spread of COVID 19.Photo by ROY DOMINGO

Ipinapabalik ng Department of Social Welfare and Development ang mga nakalagay na delatang/canned tuna sa mga relief goods na una nitong naipamahagi sa publiko, sa pamamagitan ng mga Family Food Packs.

Ayon kay DSWD Secretayr Rex Gatchalian, nakarating sa kanya ang reklamo ng maraming mga Food Packs beneficiaries ukol sa isang partikular na canned tuna. ang mga ito, batay sa mga reklamo, ay hindi umano ‘edible’. Ilan sa mga reklamo aniya ay nakapaskil na rin sa social medai.

Sinabi ng kalihim na ipinag-utos na niya sa lahat ng mga Regional Field Offices ng DSWD na ipabalik na ang mga nasabing canned goods

bagaman hindi sinabi ng kalihim kung saang mga rehiyon galing posibleng naidala ang mga nasabing canned tuna, kamakailan lamang ay inumpisahan nito ang pagbibigay ng mga food packs sa Mindoro Provinces na una nang naapektuhan ng oil spill.

Ayon kay Gatchalian, inutusan na rin niya ang kanyang mga opisyal sa DSWD upang pag-aralan ang mga sanction na maaaring ipataw sa supplier ng nasabing produkto, kasama na ang posibilidad ng pagpigil muna sa pagbabayad dito, at pag-blacklist sa kumpanya.

Sinabi pa ng kalihim na maliban sa mga naturang hakbang, nauna na ring inugnayan ng DSWD Central Office sa supplier, upang hilingin na palitan ang mga nasabing tuna.