-- Advertisements --
dsws 2020 03 16 21 13 50

Nakipag-ugnayan na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa pamamagitan ng Field Office Western Visayassa naulilang pamilya ni Loreta Villarin Alacre, ang ikatlong overseas Filipino worker (OFW) mula sa Cadiz City, Negros Occidental, na napatay noong Oktubre 7 sa panahon ng pag-atake ng Hamas sa hangganan ng Gaza.

Ayon sa nasabing departamento, nakapagbigay na ng paunang cash aid na P40,000 sa mga immediate family members ni Alacre.

Kasama sa financial assistance ang P10,000 na food subsidy, P10,000 na cash aid para sa magulang na kapatid ng namatay na OFW, at P20,000 na educational assistance para sa dalawang pamangkin ni Alacre, na mga estudyante sa kolehiyo.

Ang mga social worker ng DSWD Field Office ay patuloy na sinusubaybayan at tinatasa ang sitwasyon ng pamilya upang mapalawig ang iba pang naaangkop na interbensyon na maaari nilang kailanganin,

Pinag-aaralan din ng DSWD ang posibilidad na magbigay ng livelihood assistance sa pamilya ni Alacre sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program.

Nauna nang sinabi ni DSWD Rex Gatchalian na nakahanda ang DSWD na tumulong sa mga Filipino migrant worker na papauwiin mula sa Israel at Palestine dahil sa lumalalang hidwaan sa pagitan ng gobyerno ng Israel at mga rebeldeng Hamas.