-- Advertisements --
image 254

Gagamit ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng isang sistema para sa Food stamp program upang matiyak na tanging ang mga benepisyaryo lamang ang makikinabang dito.

Ayon kay DSWD ASec. Romel Lopez, hindi maaaring maipasa sa iba o isangla ang ibibigay na ATM o electronic benefits transfer card dahil mayroon itong kakaibang mode of verification upang masiguro na ang recipient lamang ang gumagamit.

Kayat para maiwasan ang misuse nito, sinabi ng DSWD na ang P3,000 halaga na laman ng food stamp card ay hindi maaaring mawithdraw o maconvert sa cash at maaari lamang ipambili sa partner merchant ng ahensiya.

Nakatakdang magsagawa ng ceremonial rollout ang DSWD para sa food stamp program ngayong araw Hulyo 18 na dadaluhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Nasa 50 pamilya sa Tondo ang unang benepisyaryo na mabibigyan sa pilot run ng food stamp program.

Natukoy ang mga pamilyang benepisyaryo sa pamamagitan ng targeting system ng DSWD.