-- Advertisements --

Umapela ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko na huwag nang pagdikitahan ang anak ni Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca sa paniniwala na makaka-apekto lalo ito sa naturang bata.

Sinabi ni DSWD spokesperson Irene Dumlao na huwag na sanang i-cyberbully ng publiko ang anak ni Nuezca, ang suspek sa pamamaslang sa mag-inang Sonya Rufino Gregorio at Frank Anthony Rufino Gregorio. 

Hindi aniya dapat ikinakalat ang imahe ng bata sa social media kasi hindi ito makakatulong sa kanya.

Ayon kay Dumlao, nabigyan na ng psychological support at debriefing ng DSWD Field Office sa Region 3 ang anak ni Nuezca pati rin ang iba pang mga bata at matatanda na nakita ang insidente.

Pinagsisikapan aniya ng mga social workers na hindi makuha ng bata ang pagiging bayolente ng kanyang ama.