Namigay ng socio-economic aid ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga residente ng lalawigan ng Pampanga sa pamamahagi ng iba’t ibang tulong ng gobyerno.
Ang pamamahagi ng tulong ng gobyerno sa mga residente ng Pampanga ay bahagi ng pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr sa nasabing lalawigan.
Kabilang si DSWD Secretary Rex Gatchalian sa mga Cabinet secretaries na nakiisa sa presidential visit.
Ang mga Kapampangan o mga residente ng Pampanga, na naapektuhan ng Super Typhoon ‘Egay’, ay nabigyan ng family food packs (FFPs) at cash aid sa pamamagitan ng DSWD’s Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).
Sa kasalukuyan kasi, baha pa din sa ilang mga lugar sa nasabing lalawigan dulot ng walang humpay na buhos ng ulan dahil sa nagdaang mga bagyo na nakaapekto sa libu-libong katao sa Pampanga.