-- Advertisements --

Sinimulan na ng Department of Social Welfare and Development ang pamamahagi ng ayuda sa mga naapektuhan indibidwal sa pagguho ng bahagi ng simbahan sa Bulacan.

Kung maaalala, gumuho ang bahagi ng ikalawang palapag ng St. Peter Parish Church sa San Jose Del Monte, Bulacan habang nagsasagawa ito ng banal na misa kaugnay sa pag obserba ng Ash Wednesday noong Feb. 14.

Ang naturang insidente ay nagresulta sa pagkakasawi ng isang 80 anyos na babae

Kinilala ito ng mga awtoridad na si Luneta Morales, at hindi na ito nakaligtas dahil sa matinding pinsala na natamo nito.

Nanguna sa pamamahagi ng tulong ay ang DSWD Field Office 3 – Central Luzon .

Ito ay sa pamamagitan ng cash assistance ng kanilang ahensya.

Kung maaalala, umabot sa 56 ang mga indibidwal na naitalang nasaktan sa nasabing insidente .

Nagpaabot naman ng burial assistance ang DSWD sa kaanak ng nasawi na si Morales.