-- Advertisements --

Inilabas na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang bagong listhaan ng mga mahihirap na pamilya sa bansa kung saan magmumula ang potensyal na benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Subalit paglilinaw ni DSWD Secretary Erwin Tulfo, hindi lahat ng pamilya na kabilang sa “Listahanan 3” o ang National Household Targeting System for Poverty Reduction list ay kasama sa 4Ps program dahil sa limitadong pondo.

Ayon pa sa kalihim na pipili sila mula sa naturang listahan na ipapalit sa mga aalisin na 1.3 million na natanggal mula sa 4Ps program.

Sa ngayon mayroon pang 600,000 ang isinasailalim ng kagawaran sa assessment.

Samantala, ayon naman kay National Household Targeting Office (NHTO) Director Andrew Ambubuyog, sinimulan na nila ang pagbisita sa mga posibleng benepisyaryo na mapabilang sa Listahan 3 noong huling quarter ng 2019 at naisapinal ang listahan noong December 2021.

Sa pinal na resulta ng kanilang survey, lumalabas na nasa 5,599,091 poor families ang nakalista sa database ng DSWD mula sa Bicol region, Western Visayas at Bansamoro.