-- Advertisements --

Naghanda ng 40,088 family food packs (FFPs) ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga strategic na lugar ng Eastern Visayas para sa mga epekto ng sama ng panahon.

Ang stock ng food supplies na nagkakahalaga ng P26.98 million ay magsisiguro ng mas mabilis na paghahatid ng mga relief goods sakaling magkaroon ng mga sakuna.

Ang mga nasabing food packs na ito ay nakaimbak sa mga bodega sa bayan ng Allen at Biri sa Northern Samar; Jipapad, Taft, at sa Guiuan sa Silangang Samar; Almagro at Santo Niño sa Samar; Maripipi Island, Kawayan, at Naval sa Biliran province, Sogod, Southern Leyte; at DSWD regional resource operations center sa Palo, Leyte.

Ito ay naglalaman ng 6 na kilo ng bigas, apat na lata ng corned beef, apat na lata ng tuna flakes, dalawang lata ng sardinas, limang sachet ng kape at limang sachet ng cereal drinks.

Naghanda rin ang DSWD ng 14,492 non-food items na nagkakahalaga ng P20.02 million upang ipamahagi sa mga residenteng maaapetuhan ng naturang bagyo.