Nagbigay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng tulong sa mga biktima ng umano’y labor trafficking sa Mabalacat, Pampanga.
Bilang miyembro ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT), tinulungan ng DSWD ang mga Pilipinong kabilang sa mahigit 1,000 mga biktima.
Ilan sa mga ito ay mga dayuhang mamamayan mula sa China, Hong Kong, Indonesia, Malaysia, Myanmar, Nepal, Taiwan, Thailand at Vietnam.
Namahagi ang departamento ng mga packed meals sa lahat ng mga biktima.
Kaugnay niyan, binigyang diin ng DSWD na ang mga dayuhan ay tinulungan ng Bureau of Immigration, Department of Foreign Affairs, Department of Health, at International Organization for Migration.
Ayon pa sa ahensya, patuloy silang magbibigay ng komprehensibong serbisyo sa mga biktima na nakaligtas upang tulungan sila sa pagbawi at muling pagsasama sa lipunan.
Pansamantalang mananatili sa Tahanan ng Inyong Pag-Asa Center ng Inter-Agency Council Against Trafficking ang mga victim-survivors, habang ang iba ay ipapasa sa Philippine National Police para sa karagdagang mga imbestigasyon.