-- Advertisements --

Kabuuang P8.3 million halaga ng tulong ang naibigay na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilang libong pamilyang apektado ng pananalasa ng Syper Typhoon Rolly.

Ayon kay DSWD Sec. Rolando Bautista, ang tulong na ito ay binubuo ng mga family food packs at non food items.

Bukod dito, nagsagawa rin aniya sila ng psychosocial first aid intervention sa mga apektadong pamilya katuwang ang Department of Health at pribadong sektor.

Sinabi rin ni Bautista na mayroong sapat na pondo ang ahensya para tumugon sa mga kalamidad.

Sa katunayan, mayroon pa nga aniya silang standby funds na aabot ng hanggang P281.2-million.

Sa naturang halaga, P239.7 million ang gagamitin bilang quick response funds na maaring ipamahagi sa kanilang field offices.

Samantala, ang DSWD ay mayroon pa aniyang stockpile na 271,682 family food packs na nagkakahalaga ng P124.1 million; P185.7 million halaga ng food items o raw materias na nakahanda na para sa repacking; at P274 million na non-food items.