-- Advertisements --
dswd 3

Nagbabala ang Department of Social Welfare and Development sa mga benepisyaryo ng cash transfer subsidy program ng gobyerno hinggil sa paggamit ng kanilang cash cards bilang loan collateral.

Paliwanag ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, labag daw kasi sa tuntunin ng kagawaran ang pagsasangla ng ATM ng kanilang benepisyaro.

Ilegal kasi aniyang maituturing ang pagsasangla ng cash card na ipinagkaloob ng gobyerno sa isang indibidwal at ito aniya ay may kaukulang kaparusahan kabilang na ang posibleng kawalan ng karapatan sa anumang magiging programa ng pamahalaan sa susunod na panahon.

Kasabay nito ay hinikayat din ng kalihim ang publiko na agad na ipagbigay alam sa DSWD ang mga benepisyaryo sangkot sa ganitong uri ng gawain upang agad nila itong maimbestigahan at maaksyunan.

Batay sa 2022 survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas ay lumalabas na aabot sa 2.6% ng mga indibidwal na mayroong utang ang nagsasangla ng kanilang mga cash cards.

Kaugnay nito ay pinayuhan din ng BSP ang publiko na iwasan ang “sangla-ATM” scheme sa kadahilanang posibleng magresulta ito sa financial troubles sa hinaharap.