Inatasan ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang mga Regional Director na i-double check ang bilang ng mga family food packs (FFPs) na hinihiling ng mga gobernador, mayor at kongresista at ang aktwal na pick-up o delivery sa mga lugar na apektado ng Bagyong Egay at ang Habagat.
“Be sharp with your data,” sinabi ni Secretary Gatchalian sa mga Direktor ng Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon at ng Cordillera Administrative Region (CAR).
Ang mga rehiyong ito ang pinakalubhang tinamaan ng nagdaang bagyong Egay at habagat, kung saan ilang probinsya at munisipalidad ang nagdeklara na ng state of calamity.
Sinabi rin ng DSWD chief Gatchalian sa mga kinauukulang regional director na sundin ang delivery plan na kanilang napagkasunduan sa Disaster Response Management Group (DRMG) sa pangunguna ni Undersecretary Diane Cajipe at Assistant Secretary Marlon Alagao.
Inatasan din ng DSWD ang mga kinauukulang regional director na isumite sa tabulated form ang bilang ng mga hinihiling na family food packs bawat probinsya, lungsod at munisipalidad, kasama ang bilang ng mga inilabas o naihatid na food packs.
Paliwanag ng departamento na sisiguraduhin nito na lahat ng family food packs na hiniling mula sa National Resource Operations Center ay natutugunan at lahat ng mga kahilingan ng LGU ay maayos na nabibigyan ng pansin.
Nauna nang inutusan ni Secretary Gatchalian ang National Resource Operations Center na paghandaan ang pagpapadala ng hindi bababa sa 289,906 na kahon ng family food packs sa unang dalawang linggo ng Agosto bilang augmentation assistance sa mga LGU sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, at CAR.
Idineklara na ang state of calamity sa hindi bababa sa 16 na probinsya, bayan at lungsod sa Luzo