-- Advertisements --
image 431

Pinagtibay ng pamunuan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Philippine National Volunteer Service Coordinating Agency (PNVSCA) ang pagtutulungan ng mga ito para sa pagtaguyod ng volunteerism.

Ito ay matapos na lagdaan ng dalawang ahensiya ang isang Memorandum of Understanding kung saan nakasaad dito na magtutulungan ang dalawa upang i-promote ang bolunterismo sa mga social programs at civi activities.

Ayon kay DSWD Sec Rex Gatchalian, mahalagang makapagalaan ang publiko ng kaunting oras sa ibat ibang grupo at pangunahan ang mga civic activities sa ibat ibang larangan.

Sa ilalim kasi nito aniya, nagagawa pang buhayin ng bansa ang konsepto ng Bayanihan.

Inihalimbawa ng kalihim ang pakikiopagtulungan ng mga volunteer group sa DSWD.

Nagagawa umano ito sa panahon ng kalamidad, at nakakatulong ang mga volunteer na magsagawa ng disaster response, katulad ng repacking ng mga food packs, pagbubuhat sa mga food packs, at pag-iimbak sa mga ibibigay na tulong.

Sa ilalim ng pinirmahang MOU, bubuo ang dalawang ahesniya ng mga mekanismo kung saan itutulak ang aktibong partisipasyon ng mga youth organization at mga civic groups sa ibat ibang social programs ng DSWD.

Nakatakda namang pangunahan ng Philippine National Volunteer Service Coordinating Agency ang paghikayat sa mga volunteer groups para sa nasabing hakbangin.