Matapos ilabas ng Commission of Audit (COA)ang naging rekomendasyon nito sa NCR warehouse ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), agad ipinag-utos ni Sec. Rex Gatchalian ang pagsasaayos sa kondisyon ng naturang bodega.
Inatasan ng kalihim si NCR Field Office Director Michael Joseph Lorico na magsagawa ng inspection sa naturang bodega na tinukoy sa report ng komisyon.
Maliban dito, kailangan din aniyang isama sa inspection ng ahensiya ang mga nakaimbak na relief goods.
Ayon kay DSWD Spokesperson Asec Romel Lopex, kailangang tiyakin na walang expired na pagkain o anumang produkto na nakaimbak dio, at masigurong malinis ang lahat nang nakaimbak.
Nangako rin ang opisyal na gagawing regular ang isasagawang pest control at pagsasaayos sa naturang pasilidad.
Maalalang sa inilabas na ulat ng COA ay pinuna nito ang hindi maayos na kondisyon ng naturang bodega na ginagamit ng ahensiya bilang imbakan ng mga food packs na ipinamamahagi sa mga panahon ng kalamidad o sakuna.