-- Advertisements --
Inamin naman ni Deputy Speaker at Zambales Rep. Jay Khonghun na sila ay nalulungkot sa naging desisyon ni Speaker Martin Romualdez na magbitiw sa kaniyang posisyon subalit wala silang magawa at kailangan nilang mag move on.
Sinabi ni Khonghun tao lamang sila para makaramdam ng lungkot lalo at marami din nagawang kabutihan si Romualdez sa mga house members.
Naniniwala si Khonghun na suportado naman ng mayorya ng Kamara ang bagong speaker na si Rep. Faustino Dy III.
Nanawagawan naman si Speaker sa mga house members na suportahan ang liderato ng bagong speaker at ituloy lamang ang trabaho para sa kapakanan ng taumbayan.